Sagot :
ANSWERS:
1. Natural sign
2. simbolong sharp
3. mapababa
EXPLANATION:
Ang mga panandang kromatiko ay ginagamit ng isang compositor para mabigyan ng kakaibang epekto o kulay ang kaniyang komposisyon. Ang mga panandang kromatiko o accidentals ay natural sign, sharp, at flat.
1. Ang natural sign (♮) ay isang panandang kromatiko na ginagamit para maibalik ang natural o dating tono ng isang nota. Halimbawa kapag ang G# ay nalagyan ng natural sign (♮), ang G ay babalik sa natural na tonong G.
2. Ang simbolong sharp (♯) ay isang panandang kromatiko na ginagamit upang mapataas ng kalahating tono ang isang nota na nalagyan ng simbolong sharp. Halimbawa kapag ang C ay ginawang C♯, ang tono nito ay tataas ng kalahating tono.
3. Ang simbolong flat (♭) ay isang panandang kromatiko na ginagamit upang mapababa ng kalahating tono ang isang nota na nalagyan ng simbolong flat. Halimbawa kapag ang D ay nagiging D♭, ang tono nito ay bababa ng kalahating tono.
Accidentals
https://brainly.ph/question/7395646
#LETSSTUDY