👤

anong kasaysayan ang nangyari sa lungsod marikina​

Sagot :

Answer:

KASAYSAYAN NG MARIKINA

Ang unang naitalang banyaga na bumisita sa Marikina ay ang mga Augustino taong 1570. Sinasabing dumating sila sa Chorillo sa Barangka.  

Sumunod naman ang mga Heswita na pinatunayan ni Don Juan Nino Del Tabora, Gobernador ng Pilipinas, na ang Nayon ng Marikina ay itinatag noong ika-16 ng Abril 1630 ng mga paring Heswita sa bisa ng kapangyarihang ibinigay ni Don Fray Pedro De Arce na noon ay isang “Apostolic Ruler” ng Maynila.

Nagtayo ng isang kapilya ang mga Heswita sa Jesus Dela Pena kung saan ginanap ang unang misa taong 1680.

Taong 1787 tinawag na “Mariquina” ang lugar alinsunod sa pangalan ng Gobernador-Heneral noong panahong yun na si Felix Berenguer de Mariquina. Kinalaunan ay idineklara na itong isang pueblo ng mga mananakop na Espanyol.  

Ang unang Gobernadorcillo na namuno sa Marikina ay si Don Benito Mendoza.

Taong 1887 kinilala ang Marikina bilang bayan ng mga magsasapatos sa pangunguna ni Don Laureano “Kapitan Moy” Guevara. Siya ang kinikilalang Ama ng Industriya ng Sapatos sa Pilipinas sa tulong nina Tiburcio Eustaquio, Ambrocio Sta. Ines at Gervacio Carlos.  

Ang Mariquina ay naging punong bayan (Capital) ng Maynila noong 1898 nang magkaroon ng rebolusyon sa bansa.

Matapos sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas noong Hunyo 11, 1901, ang Mariquina ay naging bahagi ng bagong katatatag na Probinsya ng Rizal sa bisa ng Batas Bilang 137 na ipinalabas ng Philippine Commission.  

Pinalitan ang “Mariquina” at ginawa itong   “MARIKINA”.  

Ang Bayan ng Marikina ay ganap na naging bahagi ng Metro Manila noong 1975 ayon sa  Presidential Decree 824 kung saan nasa ilalim ito ng Metro Manila Commission kasama ang apat na siyudad at labing dalawa pang bayan.

Disyembre 8, 1996, sa bisa ng Republic Act 8223, iprinoklama ang Marikina bilang isang siyudad.

Magpasahanggang-ngayon patuloy ang pag-unlad  ng Lungsod ng Marikina, tanda ng mga parangal at pagkilalang natatanggap sa iba’t ibang sektor ng lipunan.  

Diretso ang paglago ng  ekonomiya, mayroong disiplinadong mamamayan at gobyernong may responsableng pamumuno na laging handang magserbisyo sa taumbayan.

sana po makatulong

Explanation: