👤

tuwing sasapit ang tag-ulan ay hindi maiiwasan ang pagbaha.Baha dito, baha doon. Dapat tayo mismo ang gumagawa ng paraan para di tayo bahain. Katulad na lang ng pagpapanatili ng malinis at maayos na paligid higit lalo ang basura dahil isa ito sa mga dahilan bakit nagbabara ang mga kanal na siyang sanhi ng pagbaha. Walang maayos na segregation ang mga basura at may mga taong pasaway na nagtatapon kung saan-saan nalang. Dapat sa tahanan pa lang ay alam natin ang tamang pagsesegragate, basura na puwede pang pakinabangan. Tayo ang may malaking pananagutan sa ating kapaligiran at sa kalikasan na din. Sa atin magsisimula ang pangangalaga at pagmamahal sa big ay sa atin ng nasa itaas. Kaya ngayon pa lang simulan na natin ang pagbabago para makaiwas sa mga baha.​