👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Kopyahin sa iyong kuwaderno at kumpletuhin ang graphic organizer tungkol sa mga katangian at gawaing ginagampanan ng mga manlalaro sa larong Patintero.​

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 2 Kopyahin Sa Iyong Kuwaderno At Kumpletuhin Ang Graphic Organizer Tungkol Sa Mga Katangian At Gawaing Ginagampanan Ng Mga Manlalaro class=

Sagot :

Katangian at gawaing ginagampanan ng mga panlalaro sa Patintero:

  1. Pagiging mabilis at maliksi
  2. Atentibo
  3. Pagkakaisa
  4. Patas

Paliwanag:

Ano ang Patintero?

  • Ito ay maituturing na popular na larong pinoy hanggang sa kasalukuyan. Mapapansin natin ang mga batang naglalaro dito ay kalimitang nasa kalye o may malawak na espasyo.  

  • May kaugnayan sa paglalaro nito, gaya ng nabanggit sa itaas, kailangan na maabilidad, mabilis at maliksi ang mga manlalaro para maging panalo. Nakadepende ang pagkapanalo dito sa pagkalampas ng dalawang guhit nang hindi siya natataya ng kalaban. Ang grupo sa paglalaro nito ay maaaring hindi bababa sa sampung miyembro.  

  • Para makapagsimula ng laro, kailangan muna maghagis ng baryo upang malaman sa pagitan ng dalawang grupo kung sino ang mauunang makakapaglaro at sino ang magtataya.

Ang paglalaro ng patintero ay hindi lang nakakalakas ng pangangatawan o magbibigay buti sa kalusugan. Nahuhubog rin nito ang ating pagkatao na ipakita lagi ang kabutihan at hindi mandadaya. Matutulungan rin tayo nito na mapa-unlad ang ating mga kakayahan sa pag-iisip, kakayahan at maging sa magagandang ugnayan o relasyon sa kasama o kalaro natin.

Kailangan na magpamalas ang bawat isa ng magagandang asal nang sa gayon ay matanggap ang pagkatalo at maging mapagpayapa sa paglalaro. Hindi dapat magalit o sumama ang loob kung ibang panig ang manalo. Ang laging isaisip natin ay ang mabubuting katangian natin at pagsasamahan.  

Magtungo pa sa mga link na ito:  

Ang origin ng larong Patintero: brainly.ph/question/1300588

Mga halimbawa ng larong pinoy: brainly.ph/question/81153

Nasaan na kaya ang mga larong nakagisnan at nakagawian ng mga kabataang Pilipino: brainly.ph/question/1761941

#BrainlyEveryday