👤

Lumikha
ng isang
tula
tungkol sa Pagkakaibigan. Ito dapat ay may roong saknong na hindi bababa sa tatlo at apat na linya bawat isa.


Sagot :

Answer:

Sa bawat sandal ng ating buhay

May mga tao tayong nakakasalamuha

May mga iba't - ibang ugali

May mga iba't - ibang katangian.

Pero noong una tayong nagkakilala

Sa apat na sulok ng silid aralan

Di sadyang nagkatabi sa upuan

At nagkakwentuhan ng matagal.

Bagamat ito ang una nating pagkikita

At ito rin ang una nating pag uusap

Pero bakit lahat ng sina bi m'y aking pinakinggan

kahit ito man ay may kakornihan.

At sa bawat nagdaraang araw

Gumagaan ang kalooban ko saiyo aking kaibigan

Sa mga kwentuhan natin at tawanan

Nararamdaman ko'y tayoy magtatagal.