Balikan Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sitwasyon. Isulat ang salitang NATUPAD kung ito ay nagsasabi ng katuparan sa pinagkasunduan at DI NATUPAD naman kung hindi. Isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno. 1. Si Edwin ay mahilig umawit. Mayroong awdisyon sa pag-awit sa kanilang barangay at gusto niyang sumali doon. Kaya lang ang sabi ng kaniyang magulang ay baka maapektuhan ang kaniyang pag-aaral. Kaya hindi muna siya sumali at nangako na pagbubutihin niya ang kaniyang pag-aaral. 2. Si Janny ay palaging naglalaro ng kaniyang selpon. Binawalan siya ng kaniyang ina para makatutok sa kaniyang pag-aaral at nangako naman siya. Pagkatapos ng klase, umuuwi agad si Janny upang makapag-aral. 3. Si Carmelita ay mahilig magbulakbol, lagi siyang gabi kung umuuwi. Isang araw inumaga ng uwi si Carmelita. Pinagalitan siya ng kaniyang nanay at nagkaroon sila ng kasunduan na alas-otso ng gabi ay naroon na siya sa kanilang bahay, at