Panuto:Basahin ng mabuti ang bawat aytem.Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang batas na ito ay ipinagtibay noong Hulyo 1, 1902. Ito ang naging batayan ng
pamahalaang Demokratiko ng Pilipinas.
A. Philippine Act of 1902
B. Misyong Pangkalayaan
C. Batas Jones
D. Tydings McDuffie
2. Kailan idinaos ang kauna-unahang halalan para sa Asamblea ng Pilipinas?
A. Hunyo 30, 1902
B. Hulyo 30, 1907
C. Oktubre 16, 1907
D. Hulyo 1, 1902
3. Nang maitatag ang Asamblea ng Pilipinas, nagkaroon ng mga Pilipino na nakalahok
sa pamamalakad ng pamahalaan. Sino ang iniluklok na pinuno ng mayorya o majority
floor leader?
A. Sergio Osmeña
B. Manuel Roxas
C. Manuel L. Quezon
D. Benito Legarda
4. Alin sa sumusunod ang nagawa ng Asamblea ng Pilipinas?
A. Pagtatatag ng isang bangko para sa mga magsasaka
B. Pagpapatibay ng batas para mapalaganap ang edukasyon sa buong bansa
C. Pagpapagawa ng maraming poso at patubig
D. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang unang batas na naglalayong mabigyan ng kalayaan ang Pilipinas kapag
may matatag na pamahalaan?
A. Batas Jones
B. Batas Tydings-McDuffie
C. Batas Hare-Hawes-Cutting
D. Batas Cooper
6. Ang unang misyong pangkalayaan na pinamunuan ni Manuel Quezon na binubuo
ng 40 na kasapi na umalis patungong United States.
A. Misyong Os-Rox
B. Unang Misyong Pangkalayaan
C. Hare-Hawes Cutting Law
D. Batas Tydings McDuffie
7. Isa sa mga misyong pangkalayaan na ipinadala ng Pambansang Asamblea sa
Estados Unidos upang mahikayat ang mga Amerikano na bigyan ng ganap na
kasarinlan ang mga Pilipinas.
A. Misyong Os-Rox
B. Unang Misyong Pangkalayaan
C. Hare-Hawes Cutting Law
D. Batas Tydings McDuffie
8. Ito ang binagong batas Hare-Hawes Cutting Bill.
A. Misyong Os-Rox
B. Unang Misyong Pangkalayaan
C. Hare-Hawes Cutting Law
D. Batas Tydings McDuffie
9. Tawag sa malasariling pamahalaan ng Pilipinas.
A. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Demokrasya
C. Pamahalaang Militar
D. Pamahalaang Komonwelt