Sagot :
Halimbawa ng karapatan ko na may lakip na tungkulin:
Mag-aral ng mabuti at maging masipag dito
Bilang kabataan, obligasyon nating pagbutihin ang ating pag-aaral upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Itong bagay na ito ay para rin sa ating sarili upang mapaunlad ang ating mga kakayahan at talento sa buhay. Huhubugin tayo nito sa tama at maranasan ang iba’t ibang mga larangan sa paaralan.
Paliwanag:
Sa panahon natin sa ngayon marahil ay iba-iba ang tungkulin ng bawat isa. Kailangan natin tuparin ito sapagkat mahalagang bagay ito para sa ating sarili at maging sa iba na makakasalamuha natin. Isipin natin na importanteng aspeto ng buhay ang mga tungkulin natin upang hindi ito makalimutan at maitanim natin ito sa ating mga sarili at puso.
Tingnan pa ang ilan sa mga tungkulin ng isang kabataan:
- Pagiging masunurin at mapagpasakop sa mga magulang
- Pagiging matulungin sa kapuwa-tao
- Pagiging tapat sa anuman kasunduan
- Pagiging isang mabuting mamayan sa ating bansa at sa lipunan na ginagalawan natin
- Pagiging malapit ang kaugnayan sa Diyos at palalimin pa ito
- Pagiging mabuti sa lahat ng hindi nagtatangi
Magtungo pa sa mga link na ito:
Ilan pa sa mga tungkulin na may kalakip na obligasyon: brainly.ph/question/9330132
Ilan pa sa mga halimbawang tungkulin: brainly.ph/question/785038
Ang kahulugan ng salitang tungkulin: brainly.ph/question/1833737
#BrainlyEveryday