👤

bakit itinuring ang mga romano na pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon​

Sagot :

Answer:

Ang Republikang Romano (Latin: Res publica Romana) ay ang kapanahunan ng sinaunang Romanong kabihasnan na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula ang republika matapos ang pagbagsak ng Kahariang Romano noong 509 BK at nagtapos noong 27 BK sa pagtatatag ng Imperyong Romano. Sa panahon na ito lumawak ang kontrol ng Roma mula sa kapaligiran ng lungsod hanggang sa gahum ng buong Mediteraneong mundo.

Explanation:

:>

Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ang

kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay

batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at

tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang

pamamaraan ayon sa batas.

Panitikan

Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo B.C.E. Subalit ang

mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na

nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay ang mga unang manunulat ng comedy.

Ang iba pang manunulat ay sina Lucretius at Catullus. Si Cicero naman ay isang manunulat at orador

na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng

kapangyarihan o sirain ng pera kailanman

Inhenyeriya

Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at

tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na

ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-

uugnay sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.

Arkitektura

Ang mga Roman ang tumuklas ng semento, marunong na rin silang gumamit ng stucco,

isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol mula sa Greece.

Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay ginagamit sa mga temple, aqueduct,

at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan ng

nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Ang forum ay ang sentro ng lungsod.

Pampublikong palikuran at pamilihan. At ang Colloseum isang amphitheater para sa labanan ng mga

gladiator

Pananamit

Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman. Ang tunic ay kasuotang pambahay na

hanggang tuhod. Ang toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay.