A. Isulat kung Tama o Mali ang pahayag. 1. Malaki ang ginampanang papel ng mga paring misyonero sa pananakop at pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Tama 2. Ang Patronato Real ay kasunduan ng Santo Papa at Hari ng Espanya na palaganapin ng Espanya ang Kristiyanismo sa mga kolonya nito. 3. Ang Patronato Real ay gantimpala sa pagtulong ng Hari ng Espanya sa Kilusang Reconquista ng Simbahang Katoliko laban sa mga Muslim sa Espanya. 4. Ang tungkulin ng mga paring misyonero ay nakatuon lamang sa pagtuturo at pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga kanayunan. 5. Tinulungan ng mga prayle ang mga opisyal ng bayan na nagmalabis sa kanilang mga tungkulin. L 6. Maraming natutuhan ang mga Pilipino mula sa mga paring misyonero. 7. May mga Pilipino na lumaban at nag-alsa laban sa mga mapang-abusong prayle. 8. Si Padre Diego de Herrera ang kauna-unahang obispo sa Pilipinas.