Gumuhit ng masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagsasabi ng tamang impormasyon tungkol sa pagbibigay ng hinuha o maaaring mangyari sa teksto batay sa iyong karanasan at malungkot na mukha naman ( )kung hindi.
1. Kapag nagbibigay tayo ng hinuha, sinasabi natin ang susunod na maaaring mangyari sa tekstong binasa.
2. Naibibigay natin ang maaaring mangyari batay sa mga pahiwatig ng konteksto.
3. Ang mga hinuha ay pawang mga opinyon lamang.
4. Ang mga hinuha ay naaayon sa damdamin ng mambabasa.
5. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng hinuha, nababago ang dating kaalaman batay sa nabasa sa teksto.