Sagot :
Answer:
Ang kuwento na Nagkamali ng Utos ay tungkol sa dalawang kaharian, ang Kaharian ang Matutubina at Kaharian ng Kamatsingan. Malalaman mo ang katangian ng bawat isa maging ang kahinaan nila. Alamin natin ang story ladder ng kuwento.
Basahin ang buod ng Pabula na Nagkamali ng Utos sa brainly.ph/question/422407
Simula ng Kuwento
Ang pinakamamahal na Prinsesa Tutubi ng Kaharian ng Matutubina ay nagnais na lumipad patungo sa labas ng kaharian upang malaman ang daigdig sa labas nito. Tinakasan nya ang kaniyang mga bantay at mag-isang nilakbay ang malawak na papawirin.
Tunggalian ng Kuwento
Dahil sa kasiyahan na nadarama sa kaniyang mga nakikita, hindi nya napansin ang namumuong maitim na ulap sa langit. Huli na ng kaniya itong makita kaya’t siya rin ang naabutan ng malakas na ulan. Nakakita sya ng punong-kahoy at naisip niyang doon mamahinga.
Ngunit ang punong iyon ay tinitirhan na ng maraming matsing. Siya ay pinaalis ng mga ito at bawat sangang dapuan ang niyuyugyog ng mga ito at pinagtatawanan ang prinsesa. Sa galit ay umalis ang Prinsesa Tutubi at umuwi sa kaharian nila at nagsumbong sa kanyang amang hari.
Kasukdulan ng Kuwento
Pinadala ng Haring Tubino ang isa sa kanyang mga kawal upang magbigay mensahe sa mga matsing na hinahamon nila ito sa isang labanan dahil sa ginawa nilang pang aalipusta sa kanilang Prinsesa Tutubi. Pumayag ang Haring Matsing. Ang labanan ay sa kinabukasan ng umaga sa gitna ng parang.
Matatapang na sumugod ang mag matsing dala ang kanilang mga pamalong punong kahoy gayon din naman ay matatapang na sumugod ang mga tutubi upang ipaghiganti ang naaping prinsesa. Ang utos na ibinigay ng Haring matsing sa kanyang hukbo ay hampasin ang mga makikitang tutubi samantalang ang Haring Tubino naman ay nag-utos na dumapo sa ulo ng mga matsing.
Mali ang kanilang diskarte at armas. Sa tuwing dumadapo ang mga tutubi sa ulo ng mga matsing, patuloy naman nilang nahahampas ang ulo ng kapwa matsing upang tamaan ang mga tutubi.
Kakalasan ng Kuwento
Dahil napagtanto ng Haring Matsing na siya ay nagkamali ng utos, binalak nyang ibahin ito, ngunit huli na ang lahat. May dumapo na tutubi sa ulo ni Harinh Matsing kung kaya sinubok ng isang kawal na matsing na pauin ang tutubi. Tinamaan sa ulo ang Haring Matsing at hindi ang tutubi.
Wakas ng Kuwento
Nang matapos ang labanan, nakabulagta na lahat ang mga matsing. Samantala, ang mga tutubi ay buhay lahat. Walang sinuman sa mga tutubi ang tinamaan dahil sila ay mabibilis umiwas at lumipad. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Ang Katangian ng mga Karakter
Simple ngunit pinag-isipan ang kuwento ng Nagkamali ng Utos. Mapapansin kapuwa ang kalakasan at kahinaan nila. Alamin natin.
Ang mga tutubi ay maliliit tila ba madaling matalo. Ngunit sa kuwento, sila ay matapang at tapat sa kanilang hukbo. Ngunit sila ay maliksi at mautak.
Ang mga matsing ay malalaki, kumpleto sa kanilang armas at bilang. Ngunit dahil sa kayabangan, hindi nila naunawaang ang kanilang kalaban ay mahigpit na kaaway dahil sa liit.
Mga Karakter
Prinsesa Tutubina
Haring Tubino
Reynang Tubina
Mga dama ni Prinsesa Tutubina
Mensaherong tutubi
Mga matsing sa Puno
Haring Matsing
Explanation: