Ang benevolent assimilation ay isang polisiya ng Estados Unidos na ipinatupad sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Naksaad sa isang proklamasyon ni Pangulong William McKinley noong ika-21 ng Disyembre, 1898 ang mga patakarang susundin sa pagpapatupad ng polisiyang ito.
Nakasaad sa proklamasyon na mapapasailalim sa pamamahala ng Estados Unidos ang buong Pilipinas. Gayundin, hangad ng pamahalaang militar ng Estados Unidos na makuha ang kumpiyansa at respeto ng mga Filipino sa pamamagitan ng pagsiguro sa kanilang mga karapatan.
Ipinadala ang proklamasyon kay Heneral Elwell Otis, isang komandanteng militar at noon ay gobernador-heneral ng Pilipinas. Sinasabing pinalitan ni Otis ang ibang bahagi ng proklamasyon bago ito ipadala kay Emilio Aguinaldo, na noon ay tumatayong pangulo ng Pilipinas