👤

Sumulat ng isang sanaysay na may paksang 'Pag-ibig sa Gitna ng Pandemya" na ginagamitan ng kolokasyon. Ang sayasay ay tiyaking binubuo ng tatlong talata at mayroong kahali halinang pamagat.

pahelp ako guys.​


Sagot :

Answer:

PAG-IBIG

Kasabay ng paglalang ng Panginoon sa tao ay ang emosyong hindi mauunawaan kung hindi maipapaliwanag at hindi malalaman ang kasagutan hangga’t hindi nararamdaman. Marami ang napapahamak, nalilito, nabubulag, nagpapa-alipin, mayroon ding lubos ang kasiyahan at nakakaramdam ng matinding kalungkutan tuwing nasasaktan.

May mga taong pilit naghahanap ng kasagutan sa kanilang nararamdaman at mayroon din namang kasagutang hindi maintindihan at kung pag-ibig ang tanging kasagutan bakit maraming nagtatanong, bakit sa pag-ibig maraming nasasaktan, bakit sa pag-ibig maraming lumuluha gayong ang nais lamang ng tao ay magmahal at mahalin din.