👤

magbigay nang suliranin sa paggawa at ipaliwanag ang mga epekto nito sa bansa​

Sagot :

Answer:

Ang mga nangungunang isyu sa paggawa dito sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

Mababang pasahod

Kawalan ng seguridad

Job mismatch

Contractualization

Explanation:PA BRANLIEST

Narito naman ang epekto ng mga suliraning ito sa bansa:

Mababang pasahod – dahil mababa ang sahod na ibinibigay ng karamihan sa mga kompanya dito sa Pilipinas, napipilitan ang marami nating kababayan na mangibang bansa. Nagreresulta ito sa brain drain, o pagkaubos ng mga talentadong Pilipino sa ating bansa sapagkat mas pinipili nila ang mataas na sahod sa ibang bansa.

Kawalan ng seguridad – marami sa mga trabahong nakukuha sa Pilipinas ang walang seguridad; halimbawa nalang ay ang biglaang pagpullout ng mga kumpanya kung biglang nagkaroon ng kaguluhan sa Pilipinas.

Job mismatch – ang mga propesyonal sa Pilipinas ay pinipiling magtrabaho sa mga industriyang hindi sila kabilang dahil sa kawalan ng maayos na trabaho sa kanilang larangan.

Contractualization – maraming mga Pilipino ang hindi nareregular sa trabaho at pumipirma nalang ng kontrata paulit-ulit para hindi sila magkaroon ng benepisyo. Kung magpapatuloy ito ay dadami ang mga Pilipinong mas pipiliin nalang na mangibang bayan.