Gawaing Pasulat A. Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay kinakapanayam sa isang sikat na palabas sa telebisyon o estasyon ng radyo sa bansa at ang inyong paksa ay tungkol sa paggamit ng wika sa radyo at telebisyon. Mula dito ay naatasan kang sagutin ang ilang panayam nang maikli subalit malaman. 1. Bakit ang mga rehiyon sa Pilipinas ay may kanya-kanyang estasyon ng radyo pagdating sa pagbabalita ng mga kaganapan sa bansa? (2 puntos) 2. Sa iyong palagay, paano nagkakaroon ng suliraning pangwika sa radyo o telebisyon na nagbubunga ng hindi lubos na pagkaunawa ng mga tagapakinig o tagapanood? Ipaliwanag (3puntos) 3. Magbigay ng tatlong salitang tumutukoy sa kung paano gumagamit ng wika ang mga tagapagbalita sa radyo at telebisyon. Gamitin ang mga ito sa isang pangungusap upang tuwiran mong mailarawan ang sitwasyong pangwika sa radyo at telebisyon. (5 puntos)