Gawain 1: Panuto: Basahin ang sumusunod at tukuyin at isulat sa sagutang papel ang pahambing na ginamit sa pahayag. 1. Mas marami ang pumili ng Modular Learning Modality kaysa sa Online Learning Modality. 2. Higit na mabilis ang komunikasyon sa cellphone kaysa sa kompyuter. 3.Di-totoo na mas mahirap ang Online Class kaysa sa Modular Class. 4.Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit. 5. Labis na hinagpis ang naramdaman ng ina kaysa sa anak.