👤

Sa modyul 1 naunawaan mo ang kahalagahan ng paglinang ng iyong mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos bilang isang pagdadalaga/pagbibinata tungo sa pagkakaroon mo ng tiwala sa sarili, sa pagiging mabuti at mapanagutang tao at sa paghahanda sa susunod na yugto ng iyong buhay - ang pagiging dalaga/binata. Sa modyul na ito, tutulungan ka na maunawaan ang napakahalagang papel ng iyong taglay na isip at kilos-loob upang makamit mo ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos na ito. Sa modyul na ito inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalagang sanayin, linangin at gawing ganap ang isip at kilos-loob? Handa ka na bang simulan ang Unang Linggo ng iyong pag-aaral sa Ikalawang Markahan ng EsP Baitang 7? Inaasahan na matutuhan mo sa Linggong ito ang mga kasanayang Pampagkatuto 5.1 at 5.2 na nakikita mo sa baba ng bahaging Alamin? Kaya tayo na!​