👤

Gawain 1.3
A. Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang sa palagay mong mabuti at masamang epekto ng COVID-19 pandemya ​


Gawain 13A Panuto Isulat Sa Loob Ng Kahon Ang Sa Palagay Mong Mabuti At Masamang Epekto Ng COVID19 Pandemya class=

Sagot :

Answer:

Masamang epekto :

Bagama't maituturing na banta para sa lahat ng miyembro ng lipunan ang pandemyang dulot ng COVID-19, hindi hamak

na mas lubos na naaapektuhan dito ang mga taong may mga kapansanan dahil sa mga nabuong pangpananaw,

pangkalikasan at pang-institusyon na hadlang kaugnay ng pagtugon sa COVID-19.

Maraming taong may mga kapansanan ang may dati nang mga kundisyon sa kalusugan, kung kaya't mas madali silang

mahawahan ng virus na nagiging dahilan para makaranas sila ng mga mas malalang sintomas kapag nahawahan, na

nagreresulta sa matataas na rate ng pagkamatay. Sa panahon ng krisis kaugnay ng COVID-19, posibleng makaranas ng

isolasyon at mahirapan sa panahon ng pagpapatupad ng mga pag-iingat sa lockdown ang mga taong may mga kapansanan

na nakadepende sa suporta para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, habang maituturing nang partikular na may

mataas na panganib ang mga nakatira sa mga institusyon, gaya na rin ng makikita sa napakaraming bilang ng mga

pagkamatay sa mga residential care home at psychiatric na pasilidad. Lalo pang tumindi ang mga hadlang sa pag-access ng

mga serbisyo at impormasyong pangkalusugan para sa mga taong may mga kapansanan. Dagdag pa rito, patuloy na

humaharap ang mga taong may mga kapansanan sa diskriminasyon at iba pang hadlang sa pag-access ng suporta sa

kabuhayan at kita, pakikilahok sa mga online na uri ng edukasyon, at paghahanap ng proteksyon laban sa karahasan. Mas

malaki pa ang hinaharap na panganib ng mga partikular na grupo ng mga taong may mga kapansanan, gaya ng mga bilanggo

at iyong mga walang bahay o walang bahay na sapat na nakatutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Nagreresulta ang kaalaman tungkol sa mga panganib na ito sa mas mahuhusay na pagtugong makakapawi sa hindi pantay

na epektong nararanasan ng mga taong may mga kapansanan.