Sagot :
Pagkakaiba ng Pamahalaang Militar at Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Militar
Ito ay isang pamahalaan na ang layunin ay pigilan ang isang insureksyon na maaaring sumiklab sa bansa. Ang tungkulin ng pamahalaang ito ay ang kapayapaan at kaayusan ng isang bansa.
Sa Pilipinas, ito ay pinangunahan ni William McKinley, na noong Agosto 14, 1898, ay nag-utos kay Heneral Wesly Meritt na maging gobernador-heneral ng bansa. Hindi ito pinayagan ng unang pangulo na si Emilio Aguinaldo, ngunit hindi nila ito pinansin.
Sa ilalim ng administrasyong ito, naging mapayapa at maayos ang bansa, ipinakilala ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano, at binuksan ang Maynila sa kalakalang pandaigdig.
Pamahalaang Sibil
Pagkatapos ng reorganisasyon ng Pilipinas, ito ay pinalitan ng isang pamahalaang sibil. Ito ay isang uri ng pamahalaang pinamamahalaan ng mga tao.
Sa pamahalaang sibil, ibinahagi sa mga magsasaka ang mga lupain , itinuro sa mga Pilipino ang wikang ingles , napangalagaan ang mga tanging likas na yaman ng mga Pilipino , at binigyan ang mga Pilipino ng karapatang makilahok sa pamahalaan.