👤

ano ang pangunahing layunin ng batas tydings mcduffie

Sagot :

Answer:

Ang Batas Tydings–McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Ika-24 ng Marso taong 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) pagkatapos ng sampung taon.

Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong politikong si Manuel L. Quezon ang "misyong pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, D.C. na nagtagumpay sa pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.Kabilang sa mga probisyong tinutulan ng misyong pangkalayaan ni Manuel L. Quezon ang pananatili ng base militar sa Pilipinas;ang walang katiyakang kapangyarihang taglay ng High Commissioner na itatalaga sa Pilipinas; at ang limitasyon kaugnay sa pagpasok ng mga Pilipino sa U.S.A..

Answer:

Ang batas tydings mcduffie ay naglalayon ng: -pagkakatatag ng malasariling pamahalaan sa pilipinas na tatagal ng 10 taon. -Ang pagkakaroon ng kumbensyong maghahanda ng saligang batas. -ang paghalal ng mga mamumuno sa malasariling pamahalaan. -ang pagpapahayag ng kasarinlan ng pilipinas sa ika-4 ng Hulyo na kasunod ng huling taon ng Malasariling Pamahalaan.