👤

Panuto: Basahin ang sumusunod na talata. Pumili ng tatlo mula rito at ibigay ang iyong dating kaalaman, natuklasan o natutuhan, at ang nabago sa dating mong kaalaman batay sa binasang talata. Gamitin ang talahanayan sa ibaba at isagawa ito sa inyong sagutang papel. 1. Ang matagal na panonood ng TV, pagbababad sa paglalaro sa computer at cellphone ay nakasisira ng mata. Maaaring makaramdam ng pagkahilo at panlalabo ng paningin at kung hindi ito maagapan ay maaari itong ikabulag 2. Sa panahon ng pandemya ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga matatanda edad 60 pataas at mga bata edad 20 pababa. Ito ay dahil sa higit na mahina ang kanilang resistensya at madaling mahawahan ng virus. 3. Ang pag-inom ng walong basong tubig araw-araw ay mainam sa ating katawan. Sa pagpapanatili ng tamang lebel ng tubig sa ating katawan ay maaaring makaiwas tayo sa iba't ibang sakit. 4. Isang sikat na boksingero at senador na si Manny Pacquiao ay mula sa isang mahirap na pamilya, nagsikap sa buhay kaya narating ang rurok ng tagumpay. 5. Ang walang habas na pagputol ng mga punongkahoy ay may masamang maidudulot sa kalikasan. Maaaring magdulot ito ng pagbaha, pagguho ng lupa at higit sa lahat ay wala ng matitirhan ang mga hayop. Ang alam ko na... Ang natuklasan kong kaalaman tungkol sa binasang teksto... Ang nabago sa dati kong alam batay sa natuklasan ko... 1. Talata Blg. 2. Talata Blg. 3. Talata Blg. -​

Sagot :

Answer:

Ang natuklasan kong kaalaman tungkol sa binasang teksto ay masama at hindi ligtas ang matagal na paggamit ng cellphone, computer o telebisyon dahil maaring maapektuhan ang aking kalusugan at lalong lalo na ang aking mga mata.

Ang nabago sa dati kong batay sa natuklasan ko ay matuto na limitan ang aking sarili sa paggamit ng mga cellphones o telebisyon, upang maiwasan ang paglabo ng aking mga mata at hindi maapektuhan ang aking kalusugan.

Explanation: