👤

Matalik na magkakaibigan sina Rex, Piona, Vidal, at Albie. Tuwing recess o lunch break, palagi silang nag-uusap at magtatawanan sa canteen. Isang araw, habang nagkukuwento si Albie tungkol sa kaniyang bakasyon sa Mindanao, panay ang sabad ni Rex upang magkuwento rin ng mas bagay tungkol sa kaniya at sa karanasan rin niya noon nang magbakasyon sa ibang bansa. Palaging ginagawa ito ni Rex kahit sino kina Piona, Vidal, at Albie ang nagkukuwento. Sa iyong palagay, anong pagpapahalaga ang dapat maisabuhay ni Rex upang mapaunlad ang komunikasyon sa pagitan nilang magkakaibigan?​