higit sa lahat pagaaral. GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1: Pakinggan ang mga talata na babasahin ng iyong kapamilya. Pagkatapos mapakinggan ang talata, bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Matapat na bata si Evelyn minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan niya. Buti nalang kilala niya kung sino ang mayari. Ano kaya ang gagawin niya? a. Isinauli sa may-ari ang pitaka. b. Itinago ang pitaka sa kaniyang kuwarto. c. Kinuha ang pera sa pitaka at itinapon niya sa kalsada. 2. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya kaya palagi siyang pinasasalubungan ng tsokolate ng kaniyang Tatay tuwing galing trabaho. Ngunit, sinasabihan naman siya na huwag marami ang kaniyang kakanin. Minsan, pagkatapos maghapunan dumating ang kaniyang Tatay na may dalang maraming tsokolate dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito. Ano kaya ang puwedeng mangyari sa kaniya? a. Masaya si Aliya. b. Mahimbing ang kaniyang tulog. c. Nakatulog at iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin. 3. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na ke at Kia. Agad silang kumuha ng walis tingting at nagwalis sa kanilang bakuran. a. Nagalit ang kanilang ina. b. Pinaalis sila ng kanilang ina. c. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.