Gawain: Suriin kung Tama o Mali ang isinasaad ng mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang inyong sagot sa linya.
_______1. Ang Pilipinisasyon ay ang unti-unting paglipat ng kapangyarihang pulitikal sa mga Pilipino mula sa mga Amerikano.
_______2. Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay ang kauna-unahang pangako ng Kalayaan para sa mga Pilipinas.
_______3. Itinuturing na unang hakbang sa pagbibigay ng Amerika ng pagkakataon sa tuluyang pamamahala ng mga Pilipino sa sariling bansa ang Batas Jones o Philippine Autonomy Act of 1916.
_______4. Ang Saligang Batas ng 1935 ay ang magiging gabay ng Pamahalaang Komonwelt.
_______5. Isa sa itinadhana ng Saligang Batas ng 1935 ay ang pagkakaroon ng Talaan ng mga Karapatan o Bill of Rights.
_______6. Si Manuel Quezon ay nahirang bilang Ispiker o Tagapagsalita ng Asamblea ng Pilipinas.
_______7. Ang Malasariling Pamahalaan ay tinatawag ding Pamahalaang Komonwelt.
_______8. Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay ang nagtatakda ng paglalaan ng isang milyong piso para sa pagpapatayo ng mga paaralan sa bansa.
_______9. Ang Batas Pilipinas ng 1902 ay kilala rin sa tawag na Philippine Organic Act of 1902.
_______10. Sa pamamagitan ng Asamblea ng Pilipinas nagkaroon ang mga Pilipino ng pagkakataong makalahok sa pamamalakad ng pamahalaan.