Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Titik lamang ang isulat. Isulat sa sagutang papel. 1. Ang ziggurat ay templo sa anong kabihasnan? A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy _2. Nawala ang mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya? A. dahil sa mananakop. B. kawalan ng mabuting pinuno C. kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan D. lahat ng nabanggit isang 3.Sa anong kabihasnan naimbento ang potter's wheel at paggamit ng kalendaryong lunar? A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan 4. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod-citadel at mababang bayan? A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus B. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan 5. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na pinaniniwalaang pinili ng langit? A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan 6. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer? A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan. B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao. D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon 7. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad? A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira