👤

1.alin sa mga suliranin nabanggit Ang pinakalaganap sa kasalukuyan?bakit?​

Sagot :

Answer:

Answer:

Kalagayan, Suliranin, at Pagtugon sa Isyu ng Paggawa Week 3-4

Gawain sa Pagkatuto Blg. 3

1. Alin sa mga suliraning nabanggit ang pinakalaganap sa kasalukuyan? Bakit?

• Unemployment at Underemployment, lalo na ngayong pandemya ay tumaas ang mga bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho. Nagdulot ito ng kahirapan sa karamihan at ang iba'y nadesisyon na lamang ang magself-employed tulad ng pagpapatayo ng sariling online shopping.

2. Bakit nagkakaroon ng Unemployment at Underemployment sa Pilipinas?

• Ang pagbabago dulot ng globalisasyon. Dahil sa pagbubukas ng pandaigdigang pamilihan, nagbago ang mga salik sa paggawa ng produkto. Lumaganap ang mga mababang pasahod, hindi tiyak na job security, paglaki ng job-mismatch, at iba pa dahilan ng paglaki ng unemployment at underemployment sa bansa.

3. Makatutulong ba ang mga dayuhang kompanya upang matugunan ang suliranin sa paggawa sa ating bansa? Bakit?

• Oo dahil ito ay magbubukas ng maraming oportunidad na makapagtrabaho ang mga ilang manggagawa sa bansa. Magkakaroon ng pagkuha at pagkamit ng pangangailangan sa bawat isa. Ngunit magdudulot din ito mga iba suliranin tulad ng sa job secutrity, iba't- ibang uri ng kontraktuwalisasyon, at mura at flexible labor.

4. Paano kaya matutugunan ang mga suliranin at hamon sa paggawa? Ibigay ang inyong pananaw ukol dito.

• Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas at polisya ng mga iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paggawa. Dahil dito makatutulong ito upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa. Dito napagbabawal ang mga kontrata at gawaing nakakaapekto sa mga trabaho ng isang manggagawa. Maiiwasan na ang self-employed, unemployment, at underemployment.

Explanation:

wag ka minsan magsayang ng points nasa brainly lang din yung iba