Sagot :
Answer:
Halimbawa ng tula na may matalinghagang salita.
Awit ng Salamin
ni Doroastig Kalagitnaang '78
Halina kayo
Dito sa harapan ko
Ipapakita ko sa inyo
Tuna'y n'yong pagkatao
Mga mukhang marurumi
Mga ngiting huwad
whyMga bibig na nakabusal
Mga katawang hubad
Ang iba sa inyo'y magbabago
kung kayo'y wala na sa harapan ko
Ang makikitang pagkukulang ay pupunan
Pagkat kayo'y naniniwala sa katotohanan
Ang iba sa inyo'y magwawalang kibo
Dumi sa mukha'y hahayahang matuyo
Sa sarili di man lang mahahabag
Pagkat kayo sa katotohanan'y bulag
Ang iba sa inyo'y mapapahiya
Ang makikita'y pasisinungalingan't itatatwa
Ako'y inyong puputikan at babasagin
Pagkat katotohana'y nais n'yong ililihim
Explanation:
Kahulugan ng Matalinghagang Salita
- Ito ay isang uri ng panitikang Pilipino. Ang parte ng wikang ito ay may malalim na mga kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simili at iba pang uri ng mga mabubulaklak at nakakalitong mga salita.