A. Panuto: Basahin ang talaarawan sa ibaba. Kopyahin ang
diyagram at ibigay ang hinihinging impormasyon.
Lunes, Hunyo 1
Maaga akong gumising upang maghanda sa pagpasok sa
paaralan. Inihanda ko ang aking uniporme bago ako maligo.
Kumain din ng masarap na almusal at uminom ng isang basong
gatas. Ngumiti ang nanay ko sabay sabi niyang hindi pala tuloy ang
klase dahil sa pandemya. Kaya bumalik ako sa aking silid at
nagpalit muli ng aking pambahay.
Martes, Hunyo 2
Tinuruan ako ng ate ko na magluto ng masarap na hotcake.
Natuwa an gaming magulang dahil marami kaming natututuhan sa
panahon ngayon. Kahit pa walang pasok, tuloy-tuloy din ang aming
pagbabasa ng mga babasahin na binibili sa amin ng aming
magulang. Pero mas gusto ko pa rin ang gaya ng dati na akong
nakalalabas ng bahay at nakapupunta sa paaralan at sa iba pang
lugar. Kaya bago ako matulog, pinagdadasal ko sa Panginoon na
mawala na ang COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat.
![A Panuto Basahin Ang Talaarawan Sa Ibaba Kopyahin Ang Diyagram At Ibigay Ang Hinihinging Impormasyon Lunes Hunyo 1 Maaga Akong Gumising Upang Maghanda Sa Pagpas class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d1e/544121aa20896e03abc073aa793b221e.png)