Sagot :
Answer:
Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.
Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philia" at "Sophia". Ang "Philo" ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang "Sophia" naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong. Sa modernong panahon,ang mga kaguruan ang nagsisilbing modernong pilosopo na may kaparehas na layunin na magturo sa mga nais matuto.
Kabilang sa itinatanong ng mga pilosopo ay ang mga sumusunod:
Mitapisika: Anong uri ng mga bagay ang umiiral, mga bagay na meron? Ano ang kalikasan ng mga bagay? Meron bang mga bagay na umiiral kahit na hindi natin nadarama? Ano ang kalikasan ng kalunanan at kapanahunan? Ano ang kalikasan ng kaisipan at pag-iisip? Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang tao? Ano ba ang kahulugan ng kamalayan? Meron bang diyos?
Epistemolohiya: Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Paano natin malalaman na may iba pang nakapag-iisip?
Etika: Meron bang pagkakaiba ang matuwid at mga imoral na mga gawain (o pagpapahalaga, o institusyon)? Kung meron, anong uri ang pagkakaibang ito? Anong mga gawain ang matuwid? Anong pinapahalagahan ang sukdulan, o may-kaugnay lamang? Gamit ang mas malawak o mas eksaktong paraan ng pagtalakay, paano ako dapat mabuhay?
Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo (paradigm) ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral o pagmemeron, moralidad o kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang tinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto — mga katanungan na mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham.
Explanation: