👤

Ano ang banghay ng Alamat ng bundok kanloan

Sagot :

Answer:

si datu sabunan

Explanation:

Answer:

Alamat ng Bundok Kanlaon

(Negros Occidental)

Natatangi sa Negros ang baranggay ni Datu Ramilon dahil sa kaniyang kahanga-hangang katapangan at kabaitan. Dagdag pa sa pagiging bantog ng datu ang pagkakaroon ng napakagandang anak na nagngangalang Kang.

Hindi tumututol si Datu Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa kaniyang anak dahil sa siya ay maunawain at mapagmahal na ama. Madalas nga niyang sinasabing "ang lalaking maibigan ng aking anak na si Kang ay hindi ko tututulan. Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang kaniyang ikaliligaya." Sa dinami-dami ng mangingibig ni Kang, ang nagkapalad ay si Laon na anak ng isang raha sa kalapit nilang baranggay. Isang araw, naglakas-loob ang magkasintahang magtapat.

"Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni Kang kay Datu Ramilon.

"Magsalita ka, binata," tugon ng datu. " Ano ang iyong pakay?"

"Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibigan ni Kang." pagtatapat ni Laon.

"Wala kang aalalahanin," sagot ni Datu Ramilon. "Humanda kayo at idaraos natin ang inyong kasal sa kabilugan ng buwan."

Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapagkainan sa masasarap na pagkain bilang pagsalubong sa pagtataling-puso nina Kang at Laon. Subalit hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig ang malakas na tinig ng isang kawal. "Mahal na Datu Ramilon! Mahal na Datu Ramilon! Dumarating po ang pangkat ni Datu Sabunan!"

Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang. Nagpasiya itong lumusob sa baranggay ni Datu Ramilon sapagkat nabalitaan nitong ikakasal sina Kang at Laon. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na harapin ng kaniyang mga kawal ang kalaban. Naganap ang madugong labanan at sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni Datu Ramilon, kabilang sina Kang at Laon.

Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay na magkayakap. Di nagtagal ay may lumitaw na munting burol sa kinamatayan ng magkasintahan.

"Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina Kang at Laon!" nasabi ng isang kawal.

"Oo nga at tila nagiging mabilis ang paglaki nito," ayon naman sa kausap.

Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok. Tinawag ito ng mga tao na bundok nina Kang at Laon subalit sa paglipas ng panahon, ito ay kinilalang bundok ng Kanlaon. ​