II. Tukuyin ang antas ng wika batay sa pormalidad ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang B kung ito ay balbal; K kung ito ay kolokyal; L kung ito ay lalawiganin; at P kung pormal.
1. Maraming pananim sa paligid ng munting balay na kubo.
2. Mayroong kundol, patola, tsaka labanos na nakatanim sa hardin nito.
3. Magtanim ay 'di biro sapagkat maghapong nakayuko ang magsasaka.
4. Sumakit na rin ang bewang niya at halos hindi makatayo ni makaupo.
5. Laking tuwa ng magkabiyak nang maisilang ang unang anak.
6. Hindi nila inaaasahan na magiging adik ito sa kaniyang pagtanda.
7. Tayo'y mga Pinoy at hindi Kano.
8. Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango o kulay ay kayumanggi.
9. Kung paiiralin ang pagiging barat ay walang mapapala.
10. Marumi na ang hangin pati na ang mga ilog natin.