Sagot :
Answer:
Karaniwan na ngayon para sa atin na ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12. Gayumpaman, bago ang 1962, ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan tuwing Hulyo 4, upang alalahanin ang araw ng pagkilala ng Estados Unidos sa ating kalayaan noong 1946.
Pinasimulan ang pagbabago ng petsa noong Mayo 12, 1962, sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 28, s. 1962, ni Pangulong Diosdado Macapagal na nagpahayag sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan. Noong 1964, ipinasá ng Kongreso ang Batas Republika Blg. 4166, na pormal na nagtakda sa Hunyo 12 ng bawat taon bilang araw ng pagdiriwang natin ng kalayaan ng Pilipinas.
Isinusulong ang Abril 12, 1895, bilang pinakaunang petsa ng pagpapahayag na ginawa sa Yungib Pamitinan sa Montalban, Rizal, nang isinulat ni Andres Bonifacio––sa harap ng ilang pinuno ng Katipunan––ang “Viva la independenia Filipina!” sa mga dingding ng yungib.