Basahin ang talata. Tukuyin ang pangunahing diwa ng sumusunod na talata. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel. 16. Ang Pilipinas ay bansang sagana sa likas na yaman, kabilang dito ang mga puno, halamang gaya ng gulay, prutas at halamang gamot. Bilang tradisyon, naniniwala ang ating mga ninuno sa mga halamang gamot bilang lunas sa sakit at iba pang karamdaman. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang dumarami ang natutuklasang halamang gamot, isa na rito ang okra na kilala ring lady fingers sa wikang Ingles. A. Ang gamot ng Pilipinas sa halamang gamot B. Ang puno ng Pilipinas sa halamang gamot C. Ang salat ng Pilipinas sa halamang gamot D. Ang yaman ng Pilipinas sa halamang gamot 2. Maganda ang okra sa digestive system natin. Nakatutulong ito sa pagpapadali ng sistema ng pagdur natin. Gayundin, kabilang ang ilang seryosong karamdaman gaya ng colitis-pamamaga ng lining ng colon, diverticulitis – maliit na umbok na parang bulsa sa ating digestive system at iba pang nabibigya lunas ng gulay na ito. A. Ang benepisyo ng pagkain ng okra B. Ang kasamaan ng pagkain ng okra C. Ang kulay ng pagkain ng okra D. Ang epekto ng pagkain ng okra 3. Ayon sa ating kasaysayan, ang mga kabataan ang namumuno at nagsikhay upang maipagtanggol a bayan laban sa mga manlulupig na dayuhan. Nasa kasibulang gulang ang mga bayaning sina Jose Riz Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at iba pang kapuwa nila bayani noong ipinakita nila ang pagtatanggol bayan laban sa mga dayuhang Espanyol. A. Matatanda ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol B. Mag-asawa ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol C. Kalalakihan ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol D. Kabataan ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol 4. Nasa kabataang gulang din ang mga sundalong Pilipino na kabilang sa mga tagapagtanggol ng Ba Maging ang mga hinuhubog at sinasanay sa hukbong sandatahan ay pawang nasa kabataang gulan ang mga patunay na aktibong pakikilahok ng mga Pilipinong kabataan sa pagtatanggol sa bayan. Sil may lakas, talino, at kakayahang manindigan para sa kalayaan ng bayan. A. Ang katangian ng mga sundalo B. Ang kalayaan ng mga sundalo C. Ang kabataan ng mga sundalo D. Ang paninindigan ng mga sundalo 5. Ngunit sa panahon ngayon na malayo na ang narating ng makabagong teknolohiya at modernisa nasaan na nga ba ang mga kabataan? "Nasaan ang kabataang naglalaan ng kanilang magaganda sandali, mga pangarap at kasiglahan sa ikabubuti ng kanilang bayan?" ito ay ayon sa katanungan Damaso na hinango sa nobelang "El Filibusterismo". A. Ang pagsabay ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan B. Ang kaugnayan ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan C. Ang kasinungalingan ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan D. Ang narating ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan