👤

Dude every book you've ever read is just a remix of the dictionary!​

Sagot :

Noong unang panahon ay may isang diwata na nagngangalang Carmela siya ay naglalakad

sa may dalampasigan ng nakita niya ang malaginoong si Dizon kanya itong nilapitan at binati.

hanggang sila ay naging magkaibigan hindi nagtagal hindi na nila napapansin na nahuhulog

na ang damdamin sa isa't isa kaya't nagdapat na si Carmela.

²"Dizon alam kong mahal mo na ako ngunit hindi tayo pwedeng magpakasal dahil isa akong

diwata' nalulungkot na sabi ni Carmela "Kailangan mong pumunta sa aming lupain at maging

katulad namin' dagdag niya

"Kung ganon ay handa akong harapin ang anumang pagsubok!' ika ni Dizon

³Nang dumating na ang kanilang kasal ay lumusob ang mga lagablab. Ang mga lagablab ay

ang kalaban ng mga diwata na may matutulis na ngipin at kuko at may mapulang mata .

Buong tapang na hinarap ng mag asawa ang mga kalaban hangang sila ay mamatay ng dahil

sa ipinakitang tapang ng dalawa ay binigyan sila ng magandang libing at sa kanila pa

ipinangalan ang kanilang lupain na pinangalanang Cadiz.