Gawain 2 B. Panuto: Basahin ang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na tanong Bangon Pilipinas May mga gagaganap sa Pilipinas na hindi maganda pero hindi tayo nawalan ng pag-asa Ang lindol sa Bohol, ang bagyong Yolanda o kaya ang digmaan sa Zamboanga Libo - libo ang nawalan ng buhay at mga ari -arian Maaring mangyari ito kahit saan at kaninuman. Dahil dito, ito ay isang hamon na kailangan natin harapin. Marami na ang suliraning nagdaan sa bansa natin subalit ito ay samasama nating nabigyan ng solusyon Huwag sanang pairalin ang takot sa ating mga puso Sa mga trahedyang nagdaan ang kapwa Pilipino ang nagbigay ng lakas para sa isa't-isa Ibat ibang paraan ang pagtulong ang ipinamalas ng bawat isa Mayaman man o mahirap ay parang iisa lang ang damdamin. May mga banyagang dumating sila ang tumulong at nagbigay sa atin ng pag -asa. Marami ang nanalangin, Tayong mga Pilipino ay nagkaisa, nagtulungan at nagpapakita ng pagmamalasakit. Naniniwala ako na tayo ay hindi basta-basta sasuko Magpakatatag tayo para harapin ang mga ganitong uri ng pagsubok sa buhay. Aatras pa ba tayo? 1. Tungkol saan ang binasang sanaysay? 2. Bakit nagkaroon ng pagsubok na nabanggit sa sanaysay? 3. Ano-ano ang mga naging epekto ng mga kaganapang ito sa mga tao? 4. Paano maiiwasan ang ganitong uri ng problema? 5. Anong mga paraan upang makabangon ka sa mga pagsubok sa buhay? Magtala ng limang paraan 6. Sa mga pagsubok na ating nararanasan naniniwala ka bang may mensaheng nais iparating sa tao? Ano ang mensaheng ito? 7. Anong kaisipan o aral ang napulot mo tungkol sa binasang sanaysay?