👤

Pagsubok 2. Punan ng angkop na wakas ang bawat talata o teksto. Isulat ang mga sagot
hiwalay na sagutang papel.
1. Sinadyang lumiban sa klase ni Mervin. Alam kasi niya na magkakaroon silang
lingguhang pasulit. Dalawang araw pa naman siyang hindi pumasok dahil naglasila
ng kaibigan sa isang computer shop.
2. Mahirap lamang ang pamilya ni Minda. Ngunit sinikap ng kanilang mga magulang na
mapagtapos silang apat na magkakapatid sa pag-aaral. Bilang ganti, sinikap din ng
magkakapatid na makapagtapos ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo.
3. Hindi kumakain ng gulay at isda si Kirsten. Gusto niyang kainin palagi aytib
tsitsirya, at inuming softdrinks. Isang araw, nilagnat siya at nahihirapang umihi. Dinala
kaagad siya ng kanyang mga magulang sa doktor para magpagamot.
4. Hindi na nakabalik sa trabaho ang ama ni Daphne dahil sa pandemya. Upang
matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw, minabuti nalang nilang
gamitin ang konting naipon para sa isang maliit na negosyo. Nagtinda sila ng mga
ulam at iba pang kakanin sa harap ng kanilang bahay.
5. Sinusunod ni Gio ang lahat ng nakikita at naririnig sa patalastas tungkol COVID-19.
Nagsusuot siya ng face mask o face shield kapag lumalabas ng bahay. Naghuhugulya
palagi ng kamay at gumagamit ng alcohol Kumakain din siya ng mga mamamu
pagkain at maging natutulog.​