👤

Tuklasin Gawain 1: Basahin ang talata at pagkatapos ay isagutin ang mga tanong. "Si Linda At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko" Anak-mayaman si Linda subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay. Kahit ang ama niya, si Don Limuel, at ang ina niya, si Señora Cristina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao. Tuwing Pasko, niyayaya ni Linda ang mga kaibigan niya na pumunta sa Social Development Center. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon. "Linda, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?" tanong ni Dey, isa sa mga matalik na kaibigan ng dalagita "Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila," paglalahad ng dalagita. "Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa'yo friend," sabi ni Lea sa kaibigan. Masayang-masaya ang mga bata noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Linda ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

2. Saan naganap ang kuwento?

3. Ano ang katangian ni Linda?

4. Ano ang kanyang damdamin habang namimigay sa mga bata sa Social Development Center?

5. Masaya ba ang mga bata sa Araw ng Pasko? Bakit?

Kung sino mag sagot nito brainlest ko Dapat po maayos​


Sagot :

Answer:

1.Si Linda

2.Sa social development center

3.matulungin,mapagmahal at mabait

4.Masaya dahil nakakatulong siya sa mga bata

5.Opo. Dahil sila ay biniglbigyan ng mga laruan,pagkain at iba pang mga regalo na hindi nabubuksan

Explanation:

sana makatulong

1.ANG PANGUNAHINGTAUHAN SA KWENTO ANG SI LINDA.

2.NAGANAP ANG KWENTONG DAHIL SA KANIYANG KABUTIHAN.

3.ANG KATANGIANG MERON SI LINDA AY MASAYAHING MABAIT AT HANDANG TUMULONG.

4.GUMAAN ANG LOOB NYA AT MUKA NAMANG MASAYA SIYA.

5.OPO,DAHIL SA MGA BINIGAY NA PAGKAIN AT REGALO NI LINDA SA KANILA.

Explanation:

OK NAPO YAN PAGOD NA AKO SANA PO NAKATULONG AKO..PA BRIENLIST PO PLSSS