👤

(Gamitin ang Gawaing Papel 3 sa pahina 9-10.) Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Bilugan ang titik ng iyong sagot. 1. Ipinangako ng ate mo na ibibili ka niya ng bagong sapatos bilang regalo sa iyong darating na kaarawan. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang inyong bunso kung kaya't ang naipong pera ng iyong ate na pambili ng iyong sapatos ay nagastos nyo sa pagpapagamot ng inyong bunso. Ano ang magiging reaksiyon mo? a. Magagalit ka sa iyong ate. b. Magpasalamat ka pa rin sa iyong ate kahit di man nabili ang pangakong sapatos nito para sa iyo ay naipagamot naman at gumaling ang inyong bunso. C. Kamuhian si bunso. 2. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglalaro kayo ng volleyball sa volleyball court ng inyong barangay. Nakatakda kayong magkita-kita sa tapat ng bakery sa may kanto ika-3 ng hapon para sabay-sabay kayo na magtungo sa court. Matagal kang naghintay pero hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo na lang na nauna na pala sila sa volleyball court. Ano ang magiging reaksiyon mo? a. Kausapin mo sila tungkol sa nangyari at ipahayag mo ang tunay mong damdamin b. Balewalain na lang ang nangyari dahil napatunayan mo naman ang tunay nilang ugali. C. Huwag na silang kausapin kailanman. 3. Inutang ng kaibigan mo ang inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi pagkatapos ng klase. Nangako siyang babayaran ka niya sa recess kapag naibigay na ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit, naglakad ka na lang pauwi sa bahay dahil hindi ka niya binayaran. Ano ang magiging reaksiyon mo? a. Magalit ka at huwag na siyang pautangin muli. b. Paalalahanan siya sa kahalagahan ng pagbayad ng utang sa takdang oras na pinag-usapan. C. Awayin siya at isumbong sa inyong guro. 4. Nangako ang bestfriend mo na ipapasyal ka niya sa museum sa darating na Sabado. Isinugod sa hospital ang kanyang nanay sa mismong araw ng inyong kasunduan. Ano ang magiging reaksiyon mo? a. Magalit ka sa kanya ngunit hahayaan mo na lang siya. b. Pupunta ka sa museum mag-isa. c. Intindihin na lamang siya at ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang nanay. 5. Hiniram ng kapitbahay mo ang pantalon mong itim dahil gagamitin niya itong costume sa folkdance nila sa PE. Nangako siyang isasauli ito kaagad dahil gagamitin mo rin ito sa susunod na araw ngunit nakalimutan niyang isauli ito. Ano ang magiging reaksiyon mo? a. Hayaan na lang siya at ibigay na lang sa kanya ang pantalon. b. Ipagsabi mo sa iba ang ginawa niya. c. Puntahan mo siya kaagad sa bahay nila at kunin mo ang pantalon. Labhan ito kaagad nang may magamit ka sa susunod na araw. 4​