B. Panuto: Ibigay kung ano ang hinihingi. Isulat sa sagutang papel. 6-7. Magbigay ng dalawang dahilan kung bakit nagsisinungaling ang ibang tao. 8-10. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa sarili at gawa?
![B Panuto Ibigay Kung Ano Ang Hinihingi Isulat Sa Sagutang Papel 67 Magbigay Ng Dalawang Dahilan Kung Bakit Nagsisinungaling Ang Ibang Tao 810 Bakit Mahalagang I class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d34/2c63cfdcc4d3d4370c120762b2ca4245.jpg)
Answer:
6-7. UNA, maaaring sila ay may mga bagay na gusto nilang maabot ngunit hindi ito sinang-ayunan ng mga tao sa paligid niya kaya imbes na sabihin ang totoo ay pinipili na lamang nilang magsinungaling upang maabot nila o maisakatuparan ang kanilang gusto.
PANGALAWA, maaari rin namang ang kanyang desisyon o gagawin ay makakaapekto sa iba o maaaring makasakit ng ibang tao. Kung kaya imbes na lantarang ipakita ang gagawin ay mas pinipili na lamang magsinungaling upang walang masaktan.
8-10. Dahil, ito ay maaaring maging batayan ng ibang tao kung gaano tayo katapat sa ating sarili at sa kapwa. Ang pagsasabuhay ng katapatan sa sarili at gawa ay isang hakbang upang magpatuloy ang mga mabubuti nating gawa dito sa mundong ibabaw.
Explanation:
Sana po makatulong :)