👤

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

16. Nangangailangan ka ng pera para sa iyong proyekto sa paaralan. Nagkataong nakapulot ka ng pitaka na may maraming pera, ngunit hindi sa iyo. Ano ang gagawin mo sa pitaka?

A. Itatago na lamang ang laman ng pitaka.
B. Kukunin ang laman at iiwan na lamang ang pitaka.
C. Hindi gagalawin ang laman ng pitaka at hahanapin ang may-ari nito.
D. Magmamaangmaangan na lamang na walang napulot na pitaka.

17. Nautusan si Nena na bumili ng sabon at gatas. Nang pauwi na siya, napansin niyang sobra ang sukling ibinigay sa kanya, ano ang gagawin ni Nena?

A. Hindi na papansinin na labis ang sukli B. Itatago ang labis na sukli.
C. Babalik sa tindahan at isasauli ang labis na sukli.
D. Ibibigay na lamang ang labis na sukli sa nakababatang kapatid.

18. Ikaw ay gutom na gutom dahil wala kang almusal at baon. Napadaan ka sa tindahan at walang bantay na tindera. Ano ang gagawin mo?

A. Dadampot na lamang ako ng paninda. B. Hihintayin ko ang may-ari ng tindahan at sasabihin sa kanya ang aking kalagayan.
C. Lalampasan ko na lamang ang tindahan.
D. Titisin ko na lamng ang aking gutom.

19. Kapwa lumapit sa iyo na umiiyak ang dalawa mong pinsan na nag- aangkinan ng isang laruan. Alam mo na ito ay kay Ana na walang ingat sa kanyang gamit. At ngayon ay napulot ni Betty na masinop. Ano ang iyong gagawin upang walang magdamdam na sino man?

A. Ako na lamang ang hahawak sa laruan.
B. Ibabalik sa may-ari at sabihan na ingatan na ito sa susunod.
C. Sirain na lamang ang laruan.
D. Itago na lamang ang laruan at huwag nang ilabas kailanman.

20. Ano ang masasabi mo sa isang taong nagsasauli agad ng anumang bagay na kanyang hiniram?

A. Siya ay matapat C. Siya ay matulungin B. Siya ay masunurin D. Siya ay matapang​


Sagot :

Answer:

16.C. Hindi gagalawin ang laman ng pitaka at hahanapin ang may-ari nito.

17.C. Babalik sa tindahan at isasauli ang labis na sukli.

18 B. Hihintayin ko ang may-ari ng tindahan at sasabihin sa kanya ang aking kalagayan.

19 B. Ibabalik sa may-ari at sabihan na ingatan na ito sa susunod.

20 A. Siya ay matapat

Explanation:

hopefully it's help you

Answer:

may nav sagot na eh tama nmn sqgot nyaa