👤

Gawain sa Pagganap:
Panuto: Sumulat ng mga talata na binubuo ng 100-120 salitang naghahambing sa kalakaran ng pag-ibig sa panahon ni Shakespeare at sa kasalukuyang panahon. Isulat ang talata sa 1 buong papel.​


Sagot :

Answer:

Sa panahon ng pandemya naging mahirap ang lahat para sa atin. Kung ikukumpara ko ang noon sa ngayon, masasabi kong malaki na ang pinagbago. Kung noo'y nakakapaglaro at nakakapagliwaliw pa sa labas ang mga bata, ngayon naman ay halos mga nasa loob na lamang ng bahay kaya't nawawalan ng 'social interaction' o pakikipag ugnayan sa kapwa ang mga kabataan. Bilang isang kabataan, mahirap mag-adjust o makibagay sa mga nangyayari ngayon kaysa noon, lalo na't sa larangan ng edukasyon. Sa panahon ngayon, mayroon ng tinatawag na new normal ng pagtuturo at iyon ay sa pamamagitan ng online class o modules. Para sa akin, ang ganitong paraan ng pagkatuto ay magiging hadlang sa pakikipag-ugnayan sa aking mga kamag-aral at guro dahil hindi naman lahat ay nabibiyayaan ng maaayos na gadget upang magamit sa ganitong klase ng pagkatuto. Kung noon ay pumapasok ang mga estudyante sa paaralan nang kahit bag, ballpen, libro at papel lamang ang dala, ngayon naman ay tila isang 'requirement' na ang pagkakaroon ng cellphone o anumang gadget. Sa ganitong sistema, masasabi ko na higit na mas matatangkilik ko ang paraan ng pag-aaral noon kaysa sa ngayon dahil malaya akong makikipag ugnayan o makikihalubilo sa aking mga kamag-aral at guro. Mas madali ko ding matututunan ang mga lesson kapag nasa eskwelahan kumpara sa ngayon dahil malaya akong makakapagtanong sa aking guro o kamag-aral tungkol sa mga bagay na hindi ko naintindihan sa lesson.

Sa pagharap ng mga pagsubok sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, masasabi kong mas higit na masaya ang buhay noon kaysa sa ngayon. Noon ay mas nakikilala at nakakabonding ko pa ang aking mga kaibigan kaysa sa ngayon. Tila isang malaking hadlang para sa lahat ang pandemyang nararanasan natin ngayon. Mas higit na magiging maayos ang ating pakikipag-ugnayan sa isa't isa kung tayo'y malaya na sa pandemyang ito.