👤

C. Pagtataya/Paglalapat/Outputs (Please refer to DepEd Order No. 31, s. 2020) Direksyon: Basahing mabuti ang bawat aytem at unawain. Lagyan ng tsek (V) ang patlang kung ang pahayag / sitwasyon / diyalogo ay nagpapakita o nagpapahayag ng paggalang sa anumang ideya /opinyon ng iba, at ekis ( X ) naman kung hindi. Halimbawa X 1. Pinagtatawanan lamang ni Carlos si Rommel matapos nitong ipahayag ang kaniyang suhestiyon ukol sa gagawing proyekto. 1. Mahigpit na kalaban ni Ruben si Erwin sa klase. Di-maiiwasang silang dalawa ang lider ng kani-kanilang pangkat. Sa tuwing si Erwin ang nag-uulat at nagpapaliwanag ukol sa gawain ng pangkat nila ay minamaliit ito ni Ruben. 2. Bilang pangulo ng Baitang V- Gold ay ibinabahagi ni Marilou ang kaniyang plano sa klase para sa darating na " Araw ng mga Puso". Interesadong nakikinig sa kaniya ang kaniyang mga kaklase. 3. "Napakaganda ng ideya mo para sa Araw ng mga Puso, Marilou. Tiyak na matutuwa ang lahat, kaya lamang magastos. Pwede naman sigurong gawing simple lamang, kung okey lang sa iyo," ang sabi ni Lea. 4. "Ano! Ha! Ha! Ha! Huwag mo nga siyang pansinin, Marilou. Ano bang alam ng isang taga-bundok!" ang sabi ni Ramon. 5. "Okey lang Lea. Mabuti at naisip mo rin iyan. Batid kong ang hangarin mo ay para sa kapakanan ng lahat." ang sagot ni Marilou. 6. Gusto mong hiramin ang gunting ni Luis na nasa plastic envelope kaya lang wala si Luis. Nakita ka ni Rita at pinayuhang magpaalam ka muna kay Luis bago mo ito gamitin. Umasim ang mukha mo at dinilaan mo pa si Rita. 7. Nakaupo na sa loob ng dyip sina Pedro at Juan nang biglang umakyat sa dyip ang isang babae na akay-akay ang isang ale. Wala ng mauupuan ang mga ito kaya boluntaryong ibinigay ni Pedro ang kaniyang upuan sa ale. Sinenyasan ni Pedro si Juan na ibigay ang upuan nito para sa kasama ng ale. Ngumiti si Juan at agad namang tumayo at pinaupo ang babae.​

C PagtatayaPaglalapatOutputs Please Refer To DepEd Order No 31 S 2020 Direksyon Basahing Mabuti Ang Bawat Aytem At Unawain Lagyan Ng Tsek V Ang Patlang Kung Ang class=