👤

PAGSASANAY: TAMA O MALI Panuto: Basahin at intindihan ang mga pangungusap sa ibaba. Suriin ang mga sinalungguhitang salita. Isulat an TAMA kung ang salitang sinalungguhitan ay wasta at MALI kung ito ay hindi wasto at isulat ang tamang salit upang ang pangungusap ay maging wasto. Isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel. 1. Ang pakikipag-kapwa ay hindi makabuluhan sa ating buhay. 2. May mga panganga-ilangan tayo na ang kapwa natin ang makakatulong. 3. Ang paglilingkod para sa kapwa ay dapat may kapalit na hinihintay. 4. Ang pagtugon sa panganga-ilangan ng iba ay dapat may kasamang pag-galang at pagmamahal. 5. Sa buong mundo, kinikilala ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa. 6. Ang hindi handa na ibahagi ang sarili sa iba ay nagpapakita ng malasakit at pagmamahal. 7. Magkaroon ng kaganapan ang tao sa makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa. 8. Mahalin mo ang kapwa kagaya ng pagmamahal sa iyong sarili. 9. Marami sa mga relihiyon ang naniniwala sa mabuting pagtrato at pakikitungo. 10. Gawin sa kapwa mo ang ayaw gawin sa iyo. 11. Sa Parabula ng Mabuting Samaritano, napakita kung sino at paano tayo makitungo sa ating kapwa. 12. Makitungo sa paraang hindi gusto mo ring pakitunguhan ka. 13. Ang katarungan at pagmamahal ay hindi kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. 14. Ang pakikipag-ugnayan sa iba ay kailangan upang makapaglingkod sa kapwa.​