👤

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Paghambingin ang mga ANYONG LUPA sa ibaba. Isulat ang pagkakaiba at pagkakapareho mga nabanggit.
Ano ang PAGKAKAIBA ng kapatagan at lambak? *
Ano ang PAGKAKAPAREHO ng kapatagan at lambak? *
Ano ang PAGKAKAIBA ng bundok at bulkan? *
Ano ang PAGKAKAPAREHO ng bundok at bulkan? *
Ano ang PAGKAKAIBA ng burol at talampas? *
Ano ang PAGKAKAPAREHO ng burol at talampas? *


Sagot :

Before I answer it, I'll correct you first it's AP Subject not Filipino. :)

Answer:

  • Ang Kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Habang ang Lambak ay isang kapatagan ngunit napapaligiran ng mga bundok.
  • Ito'y parehong may malawak na lupain pwedeng pagtaniman ng halaman at ito ay malapit sa ilog; pareho ring anyong lupa
  • Ang bundok ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Samantalang ang bulkan ay isang uri ng anyong lupa na naglalabas ng mainit na "lava" tuwing ito'y puputok.
  • Bundok at Bulkan ay parehas lang, pwedeng parehas ng sukat, parehas ng angulo, ang kanilang pinagkaiba lang ay ang bulkan ay sumasabog ang bundok naman ay hindi.
  • Ang Talampas ay isang mataas/matarik na uri ng lupa na may patag na lugar sa ibabaw nito at ang burol naman ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa sa bundok.
  • Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksiyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na tuktok. Ang talampas, na kung minsang tinatawag ding mesa ay ang kapatagan sa tuktok ng isang bundok o anumang lokasyong lupa na mataas kaysa anumang katawan ng karagatan o katubigan. Ito ang lupang dalata o patag na itaas ng bundok, na kilala rin bilang pantayanin, bakood, at bakoor.

Explanation:

Correct me if I'm wrong.