PANUTO: Ipabasa sa iba nang malakas ang teksto at pakinggan ito nang mabuti Pagkatapos ay bigyan ng angkop na wakas ang mga pangyayari. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Si Marcus ay masipag at matalinong mag-aaral. Nakikinig siyang mabuti sa kaniyang mga guro at lahat ng kaniyang takdang-aralin at proyekto ay ipinasa niya sa tamang oras. Mataas ang mga marka niya sa lahat ng pagsusulit. Madalas siyang lumahok sa mga paligsahan sa kanilang paaralan. Matulungin din siya sa kaniyang guro at kaklase. Sa araw ng pagtatapos, nasa pinakaharap na hanay ang kaniyang mga magulang. Tuwang-tuwa sila.
2. Si Ana ay mahilig sa hayop ngunit wala siyang alaga dahil wala siyang pambili. Gusto niyang mag-alaga ng aso. Isang araw, habang pauwi siya mula sa paralan, may narinig siyang mahinang iyak. Pumunta siya sa gilid ng daan at sumilip sa ilalim ng halaman. May nakita siyang maliit na tuta na umiiyak at parang tinatawag ang kaniyang nanay. Luminga-linga siya sa paligid at wala siyang nakitang aso o tao sa paligid
![PANUTO Ipabasa Sa Iba Nang Malakas Ang Teksto At Pakinggan Ito Nang Mabuti Pagkatapos Ay Bigyan Ng Angkop Na Wakas Ang Mga Pangyayari Isulat Ang Sagot Sa Iyong class=](https://ph-static.z-dn.net/files/dd8/34cde47a916dc81b14e53bd5cf3c4735.jpg)