Sagot :
Answer:
Mga Paniniwala at Kaugalian ng mga Sinaunang Asyano
1. Inihahandog ng ika-Pitong Grupo Michael Reeno Ferrer Irral Chiqui Jano Isabella Naomi Generoso Justine Celestial Ivan Timothy Sotelo Rachel Joy Padre Alona Ngo
2. Mga Paniniwala at Kaugalian ng mga SinaunangAsyano
3. Deskripsiyon: Noong unang panahon, mayroong iba’t ibang paniniwala ang mga Asyano. Maaring tungkol ito sa mga relihiyon, sa mga diyos na kanilang isinasamba, sa mga pamahiin o mga ipinagbabawal na gawain at marami pang iba. Sa araling ito, matututunan natin kung paano nagkakaiba-iba ang mga Asyano sa kanilang mga paniniwala. Maaring maraming pagkakatulad ang mga Asyano noon, pero napakarami ng kanilang pagkakaiba. At sa mga susunod pang pahina, malalaman natin ang mga paniniwala ng iba’t ibang bansa noong unang panahon.
4. Indiano Ang kabihasnang ito ay nakabatay sa Hinduismo - Ang Hinduismo ay pinagsanib na paniniwalang Aryan at mga Nomad ng India. Paniniwalang Hindu: Sistemang Caste - Ang Sistemang caste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga taoay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: 1. Brahma (pari at mga iskolar) 2. Kshatriyas(maharlika at mandirigma) 3. Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa) 4. Sudras (manggagawa at alipin).
5. Karma: Ang paniniwalang Karma at Reincarnation ay lubusang tumimo sa isipan ng mga Hindu. Ang Karma ay pinaniniwalaang ang lahat ng iyong ginagawa ay babalik sa iyo, maging mabuti man ito o masama. Buddhism: Ang Buddhism ay Kapatiran, Pagkadalisay, at Kababaang Loob. Ito ay pagpapasakit ng nilalang para sa kanyang kapwa at kaligtasan ngkaluluwa.