Sagot :
Answer:
Ang pagtulong sa gawaing bahay ay isang makabuluhang gawain. Kapag tumulong ka sa gawaing-bahay, mayroon itong agarang epekto at pangmatagalang epekto. Narito ang ilan sa mga ito:
Agarang epekto ng pagtulong sa gawaing-bahay: Kapag gumawa ka ng gawaing-bahay, makakatulong ka sa iyong mga magulang. Mababawasan ang kanilang pagod dahil ikaw ang gagawa sa ibang mga gawaing-bahay na ginagawa talaga nila.
Pang-matagalang epekto ng pagtulong sa gawaing-bahay: Kapag gumawa ka ng gawaing-bahay, madadala mo hanggang sa paglaki mo ang mga gawain na ito. Mas magiging matulungin ka sa ibang tao, mas magiging maalam sa mga gawaing-bahay, at mas magiging masipag sa pagkilos o pagtatrabaho.