Naglalaro ang magkaibigang Cardo at Roberto sa may burol. Masaya silang nagpadulas sa lupa, nagtakbuhan, at nagbahaybahayan. Hindi alam ng kanilang mga magulang na naglalaro sila doon. Biglang umulan nang malakas, alalang-alala ang mga ina ng dalawang bata. Hindi sila umuwi kasi takot silang mabasa at mapagalitan ng kanilang mga magulang. Hinanap sila ng kanilang mga magulang kung saan-saan. ari