👤

pag ibig sa pamilya poem​

Sagot :

Answer:

Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,

Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina

Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,

Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod

Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod

Kahit na mangapal ang palad sa pagod

Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag aaway sa harap ng supling,

Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin

At pagmamahalan ang laging inaangkin.

Explanation: Tula ni Julyhet Roque

Answer:

Tula para sa pagmamahal sa pamilya

Sobrang nagpapasalamat sa D'yos na gumawa ng buhay

Si mama at si papa naming nagbigay ng magandang buhay at umalalay

Nagsakripisyo samin nang ginhawa'y maialay

Mula pagka-silang hanggang sa kami'y magkamalay

Ang aking ina ay ilaw,

Takbuhan namin kapag nadidiliman dahil sa kalungkutan

Sa lahat ng katanungan

Siya ang nagbibigay kasagutan

Ang aking ama'y haligi,

Tagapangtanggol, sumusuporta at humahalili

Kapag kami'y mahina at naapi

Lakas niya'y bukod tangi

Sina ate at kuya ay kaibigan

Kakwentuhan at kasama sa kalokohan

Kahit pag minasan ay nagkaka-asaran

Alam kong hindi ako pababayaan kailanman

Saan man tumingin ang mga mata

Saan man mapadpad ang mga paa,

Laging nariyan sina mama at papa,

Nariyan lagi sina ate at kuya

Paggabay ay handa nilang ibigay

Pagmamahal ng lubos ay handa ko sa kanilang ialay

Buo rin ang kanilang loob na aking makakamtam

Ang pinapangarap kong inaasam-asam

Explanation:

HOPE IT HELP PA BRAINLIST AND FOLLOW

#CARRY ON LEARNING

#STUDYHARD

#KEEPSAFE

#STAYHOME

#GodBlessYou